Home HOME BANNER STORY 42 ‘gang 44 degrees Celsius na heat index ibinabala sa 17 lugar...

42 ‘gang 44 degrees Celsius na heat index ibinabala sa 17 lugar sa bansa

MANILA, Philippines – Inaasahang tataas sa mapanganib na lebel ang heat index sa 17 lugar ngayong Miyerkules, Abril 17.

Ayon sa forecast ng PAGASA, makararanas ng heat index mula 42 degrees Celsius hanggang 44 degrees Celsius ang mga sumusunod na lugar:

Dagupan City, Pangasinan (44°C)
Ambulong, Tanauan, Batangas (44°C)
Puerto Princesa City, Palawan (44°C)
Aborlan, Palawan (44°C)
Bacnotan, La Union (43°C)
Sangley Point, Cavite (43°C)
CBSUA-Pili, Camarines Sur (43°C)
Iloilo City, Iloilo (43°C)
Dumangas, Iloilo (43°C)
Catarman, Northern Samar (43°C)
Aparri, Cagayan (42°C)
Tuguegarao City, Cagayan (42°C)
ISU Echague, Isabela (42°C)
Cubi Pt, Subic Bay Olongapo City (42°C)
San Jose, Occidental Mindoro (42°C)
Virac (Synop), Catanduanes (42°C)
Tacloban City, Leyte (42°C)

Ang heat index ay ang temperaturang nararamdaman ng isang tao dahil sa humidity at air temperature.

Ikinokonsiderang “dangerous level” ng heat index ang 42 degrees Celsius hanggang 51 degrees Celsius.

Posibleng makaranas ng heat cramps, heat exhaustion at heat stroke ang magkakaroon ng tuloy-tuloy na exposure sa matinding sikat ng araw.

Inabisuhan ng PAGASA ang publiko na iwasan na muna ang outdoor activities upang maiwasan ang exposure sa init ng araw. RNT/JGC