Home METRO Volunteer firefighter patay sa sunog sa San Juan

Volunteer firefighter patay sa sunog sa San Juan

MANILA, Philippines – Patay ang isang fire volunteer habang gumaganap sa tungkulin sa sunog sa Barangay Isla Batis, San Juan City.

Ang biktima ay kinilalang si CK Oliver, 25-anyos, na namatay matapos na bagsakan ng nasunog na kisame ng bahay.

Dinala pa ito sa ospital ngunit kalaunan ay nasawi rin.

“Masakit. Alaga namin ‘yan, sa amin lumaki ‘yan,” ani Mercedes Pascual, lola ni CK sa panayam ng GMA News.

Ang sunog ay nagsimula alas-5 ng hapon nitong Martes, Abril 16 na umabot sa ikatlong alarma.

Nagresulta ito sa P1.5 milyong halaga ng pinsala sa ari-arian. RNT/JGC