Home NATIONWIDE Buwanang allowance ng mga senior sa Maynila dodoble sa 2025

Buwanang allowance ng mga senior sa Maynila dodoble sa 2025

MANILA, Philippines – MAGANDANG balita sa lahat ng senior citizen na residente sa lungsod ng Maynila dahil nilagdaan na ni Manila Mayor Honey Lacuna ang ordinansang magpapatupad sa P1,000 buwanang allowance para sa mga nakatatanda na magsisimula sa Enero 2025.

Pinirmahan ni Lacuna ang Ordinance 9081 na magdodoble sa kasalukuyang P500 na buwanang allowance na natatanggap ng mga senior citizen sa Maynila.

Ayon sa alkalde, may 200,000 senior citizen sa Maynila ang makikinabang sa dinobleng buwanang allowance na magiging kapareho na ng ipinamamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga maralitang seniors na P1,000 kada-buwan,

“So in March next year, the city’s senior’s allowance payout of P3,000 and the DSWD indigent senior’s pension of another P3,000 will combine for P6,000,” ani Lacuna.

“Our Manila OSCA will coordinate with the DSWD. We will strive to have a joint payout, so that our seniors will receive the two P3,000s at the same time for the convenience of our seniors,” dagdag pa ni Lacuna.

Sinabi rin ng alkalde na ang pagkakaroon ng payout combo na P6,000 sa parehong oras ay makakatulong sa mga nakatatanda sa mas mahusay na badyet, lalo na para sa kanilang mga gamot.

“When they use the 20% purchase discount for medicines, their  purchasing power increases by 20% or P1,200.00, so they can buy up to P7,200 worth of medicines,” ani Lacuna.

“If a senior buys  generic, the supply of maintenance meds bought can be good enough for more than 3 months, so by the next payout they can buy another batch,” paliwanag pa doktora at allalde ng Maynila.

Kabilang sa mga karapat-dapat na tumanggap ng allowance ang mga nabubuhay pang mga seniors, mga hindi nakadepende, patuloy na naninirahan at botante sa Maynila, habang ang mga lumipat na ng ibang lungsod o munisipalidad ay hindi na nararapat na tumanggap ng buwanang allowance. JR Reyes