Home METRO Byahe ng PNR sa CamSur, aarangkada na

Byahe ng PNR sa CamSur, aarangkada na

275
0

MANILA, Philippines – Aarangkada na sa Nobyembre 5 ang byaheng Naga patungong Lupi Viejo sa Camarines Sur kung saan mas maraming pasahero na ang makakasakay ng tren ng Philippine National Railways (PNR).

Ayon sa PNR, tugon sa utos ng Pangulo at Department of Transportation (DOTr) ang dagdag na byahe ng ahensya na pabilisin ang pagsasaayos sa mga riles at istasyon ng PNR, upang maibalik na ang byahe ng tren mula Camarines Sur hanggang Quezon sa lalong madaling panahon.

Ayon kay PNR General Manager Deovanni S. Miranda, mas magiging komportable na at mabilis ang byahe ng mga komyuter sakay ng tren.

Aabutin ito ng isang oras at 39 na minuto, mas mabilis kumpara sa ibang sasakyan na halos dalawang oras ang byahe.

Magsasakay at magbababa ng pasahero ang PNR sa mga istasyon sa Lupi Viejo, Sipocot, Libmanan, Pamplona, Naga. Ganon din sa mga flag stops sa Lupi Nuevo/Tapi, Malaguico, Azucena, Awayan, Mantalisay, Camambugan, Rongos, Malansad, Mambulo, Borabod, at Sampaloc.

May tatlong byahe ang tren kada araw sa nasabing ruta; Naga to Lupi Viejo: 4:29 am, 9:49 am, at 3:14 pm at Lupi Viejo to Naga: 6:23 am, 11:43 am, at 5:08 pm.

Magsisimula sa 15 pesos hanggang 75 pesos ang regular na pamasahe sa Naga papuntang Lupi Viejo. Discounted naman ang mga estudyante, persons with disabilities (PWDs), at senior citizens, na may dalang lehitimong ID; magsisimula ang kanilang pamasahe sa 12 pesos hanggang 60 pesos.

Sa nalalapit na pagbabalik ng byahe, hinikayat ni GM Miranda ang kooperasyon at pakikipagtulungan ng publiko sa pagsunod sa ipinatutupad na mahigpit na seguridad ng PNR para sa ligtas na operasyon ng tren sa rehiyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here