MANILA, Philippines – Tiniyak ng pamunuan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang kahandaan ng kanilang ahensya ngayong holiday rush.
Sa pahayag ng CAAP ay inaasahan na nila ang passenger traffic surge ngayong holiday season base na rin sa oplan byaheng ayos pasko 2024 ng Department of Transportation.
Nangako pa ang CAAP na sisigurihin nilang ligtas, maayos at kumportable ang magiging karanasan ng mga byahero sa 44 na paliparan sa ilalim ng hurisdiksyon nito.
Ayon kay CAAP Director General Captain Manuel Antonio Tamayo ,kinikilala ng kanilang ahensya ang kahalagahan ng stress free travel experience lalo na ngayong holiday season kaya naman titiyakin nila na maaasahan ang kanilang operasyon at kahandaan ng kanilang mga pasilidad ngayong Xmas rush.
Layunin umanonnilang makapagbigay ng maayos at ligtas na byahe para sa lahat ng pasahero. (Dave Baluyot)