Home NATIONWIDE CAB nagbabala sa ‘di maayos na paghawak ng mga airline sa flight...

CAB nagbabala sa ‘di maayos na paghawak ng mga airline sa flight disruptions

274
0

MANILA, Philippines – Ang Civil Aeronautics Board (CAB) ay nagbabala sa mga kumpanya ng airline na kailangan nilang magbayad ng mabigat na multa para sa hindi pagbibigay ng naaangkop na tulong sa mga pasahero sa panahon ng mga pagkansela ng flight.

Inulit ng CAB na ang mga airline ay dapat magbigay ng napapanahon at tamang mga update sa mga pasahero tungkol sa kanilang mga flight, dapat rin na mag bigay ng paliwanag para sa pagkaantala o pagkansela.

“In case ang flight ay ma-cancel seven days or less prior sa oras ng paglipad, ang airlines po ay siyempre may obligasyon na magbigay na timely na notification sa kanilang lahat ng mga pasahero,” ani Clarabel Anna Lacsina ng Air Operating Rights Division ng CAB.

“Dapat hindi lang announcement na ang flight ay kanselado, dapat maipaalam ng mga airlines sa kanilang mga pasahero at ma-explain yung totoong rason kung bakit nakansela ang kanilang mga flight,” dagdag niya.

Nauna nang pinaalalahanan ng Department of Transportation (DOTr), sa pamamagitan ng CAB, ang mga airline na inaatasan sila ng Air Passenger Bill of Rights (APBR) na agad na ipaalam sa mga pasahero ang anumang pagbabago sa kanilang mga flight, pagkaantala, o pagkansela.

Sinabi ng CAB na maaaring magpataw ng multa na aabot sa P2 milyon sa mga airline companies na hindi susunod sa guidelines sa mga kanselasyon.

“Ang kaparusahan sa paglabag ng mga regulasyon ng CAB ayon sa aming charter or RA 776, ang CAB ay may kapangyarihan na  magpataw ng administrative fine ranging from P5,000 to P2 million. Sa APBR, ang paglabag ng regulasyon na ito ay puwede pong mapatawan ang airline sa hindi pagsunod mula P50,000 to P189,000,” aniya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here