Home NATIONWIDE CAB sa local airlines: Magbigay konsiderasyon sa mga pasaherong apektado ng lindol

CAB sa local airlines: Magbigay konsiderasyon sa mga pasaherong apektado ng lindol

254
0

MANILA, Philippines – Hinimok ng Civil Aeronautics Board (CAB) ang mga local airline na tulungan ang mga pasaherong apektado ng magnitude 7.4 na lindol na tumama sa Manay, Davao Oriental nitong Biyernes, Oktubre 19.

Sa abiso, hinimok ng CAB ang mga airline “to provide flexible and compassionate passenger accommodation measures,” kabilang ang pag-waive sa rebooking at cancellation fees, at full refunds, conversion ng mga ticket sa travel funds/vouchers, maging ang alokasyon ng libreng cargo space para sa humanitarian at relief efforts, na pasok sa safety at operational limitations ng airlines.

Ang abiso ay epektibo ng 30 araw hangga’t hindi pa naiaalis o napapalawig. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here