Home METRO Cagayan, idineklarang insurgency-free

Cagayan, idineklarang insurgency-free

133
0

TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Pormal nang idineklarang insugency free o malaya na mula sa kamay ng mga teroristang New Peoples Army o NPA ang probinsya ng Cagayan.

Kasunod ito ng naging rekomendasyon ng AFP at PNP na malaya sa insurhensiya ang lalawigan matapos ang ginawang pulong kasama ang Provincial Joint Peace and Security Coordinating Council (PJSCC) and Peace, Law Enforcement, and Development Support Cluster (PLED).

Ayon kay PCol. Mardito Anguluan, Provincial Director ng Cagayan Police Provincial Office o CPPO, ang kanilang basehan sa pagdedeklara gaya ng pagkakabuwag ng grupo ng rebeldeng East at West Front ng Komiteng Probinsiya Cagayan; pag-neutralize sa mga matataas na miyembro ng New People’s Army (NPA) at ang pagsuko ng kanilang kasamahan.

Tiwala naman si 502nd Infantry Brigade Commander BGen. Eugene Mata na hindi na makarekober o makakabalik pa ang pwersa ng mga rebelde dahil tuluyan nang nabuwag at hirap ng makabuo muli ng grupo.

Samantala, labis na nagpasalamat sa mga otoridad si Gov. Manuel Mamba na isa itong magandang balita sa probinsya na matagal nang hinihintay na malinis o mawala ang presensiya mula sa mga mapaghasik na terorista. Rey Velasco

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here