Home METRO Cagayan isinailalim sa state of calamity dahil sa tagtuyot, oil crisis

Cagayan isinailalim sa state of calamity dahil sa tagtuyot, oil crisis

110
0

CAGAYAN, Philippines – Isinailalim sa state of calamity ang Cagayan noong Lunes, Abril 20 dahil sa matinding tagtuyot at oil crisis.

Inaprubahan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ang resolusyon sa kanilang ikalawang quarterly meeting, na agad ding inendorso at inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan of Cagayan.

Ayon kay Engr. Arsenio Antonio ng Office of the Provincial Agriculture (OPA), maaaring umabot sa P10 bilyon ang kabuuang pinsala sa pananim dulot ng tagtuyot, kasama ang epekto ng pagtaas ng presyo ng petrolyo sa mga mangingisda.

Agad inaprubahan ang resolusyon upang mapabilis ang pagbibigay ng tulong sa mga apektadong residente, lalo na sa mga magsasaka at mangingisda.

Samantala, humiling si Provincial Social Welfare and Development Officer Mac Paul Alariao ng listahan ng mga apektadong indibidwal mula sa OPA para sa pamamahagi ng family food packs at emergency cash assistance. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here