Home METRO Calamba mayor nagbabala vs potential 4PH housing scams

Calamba mayor nagbabala vs potential 4PH housing scams

MANILA, Philippines – Nagbabala ang local na pamahalaan ng Calamba, Laguna laban sa mga posibleng scam na may kaugnayan sa Residenza Rizal Housing Project sa ilalim ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing (4PH) program ng pamahalaan.

Ayon kay Mayor Roseller Rizal, mayroon umanong mga ulat ng nagpapanggap na mga opisyal ng pamahalaan at nambibiktima ng mga residenteng nais maging benepisyaryo ng abot-kayang housing initiative ng pamahalaan.

“The Residenza Rizal Housing Project aims to meet the growing housing needs of Calambeño families,” ani Rizal.

Nagpaalala siya sa publiko na ang lahat ng transaksyon para sa government housing applications sa Calamba City ay eksklusibong ipinoproseso sa pamamagitan ng Housing and Settlements Department ng lungsod, at hindi sa pamamagitan ng online o third-party facilitators.

Siniguro rin ng alkalde na ang pagproseso sa housing applications ay libre at walang advance payment na hinihingi.

“Payment for the housing project begins once the beneficiary is awarded and inhabiting the unit,” paliwanag ni Rizal.

Ang Residenza Rizal Housing Project ay binubuo ng apat na 12-story buildings na may 1,144 units. Ang bawat unit ay may sukat na 24 hanggang 27 square meters.

Nagkakahalaga ito ng nasa P1.8 milyon at maaaring bayaran sa loob ng 30 taon sa pamamagitan ng Home Development Mutual (Pag-IBIG) Fund. RNT/JGC