MANILA, Philippines – Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makakuha ng medalya ang lahat ng mga atletang Pinoy na sasabak sa Paris Paris Olympics.
Sa katatapos na send-off ceremony ng mga atletang sasabak sa Paris Olympics, inihayag ng Presidente na ngayon pa lamang ay labis na kasihayan ng bansa dahil may magtatayo ng watawat ng Pilipinas.
Ibinida pa ni Marcos na may malaking programang nakalaan ang gobyerno para sa mga atletang Pinoy para lalo pa silang magtagumpay sa mga international competitions gaya ng Olympics.
Nakatadang magtungo na sa Metz, France ang mga atletang Filipino eksakto 35 araw bago ang pormal na pagsisimula ng Olympics.
Ayon sa ulat, magsasanay ng husto ang mga atleta ng ilang linggo sa Metz para makabisado na nila ang klima ng nasabing bansa.
Nasa 15 mga atleta na ang ipapadala ng bansa na kinabibilangan nian EJ Obiena sa atletics, boxer Eumir Marcial, Aleah Finegan, Levi Ruivivar, at Emma Malabuyo sa gymnastics, at Samantha Catantan sa fencing, Vanessa Sarno, Elreen Ando, at John Ceniza sa weightlifting, Hergie Bacyadan at Aira Villegas sa boxing, Joanie Delgaco ng rowing at Carlos Yulo.JC