Home METRO Shabu nasabat sa kelot sa QC

Shabu nasabat sa kelot sa QC

MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang isang 44-anyos na lalaki matapos makuhanan ng P136,000 halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Ayon sa pulisya, nahuli ang suspek sa operasyon pasado alas-3 ng hapon sa tirahan nito sa Don Sergio Street.

Sinabi pa na ang suspek ay nagpapalipat-lipat sa iba-ibang barangay para magtulak ng illegal na droga.

Nakuha mula sa suspek ang 20 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P136,000 kasama ang cellphone, coin purse at buy-bust money.

Dati nang nahuli ang suspek sa kaparehong kaso.

Nasa kustodiya na ng Batasan Police Station ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC