Home METRO Calayan, Babuyan Claro Islands nagtamo ng matinding pinsala kay ‘Nando’

Calayan, Babuyan Claro Islands nagtamo ng matinding pinsala kay ‘Nando’

348
0

CAGAYAN, Philippines – Nagdulot ng matinding pinsala ang super typhoon “Nando” sa Calayan at Babuyan Claro Islands nitong Lunes.

Makikita sa mga larawan na ibinahagi ng Cagayan Provincial Information Office nitong Martes ang mga paaralan, bahay, sasakyang pandagat, at kagamitan na sinira ng bagyo.

Ang mga larawan ay nagpakita rin ng mga tao na nagsisimula nang maglinis ng mga naiwang pinsala ni Nando.

Ang pamahalaang panlalawigan ay nag-aayos ng tulong para sa mga biktima ng bagyo.

Nagpadala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Region 2 at Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ng 6,000 family food packs sa mga apektadong indibidwal.

Ang PSWDO ay tinutulungan ng Philippine Coast Guard (PCG), Philippine National Police (PNP), Philippine Army (PA), Philippine Marines (PM), at Provincial Engineers Office (PEO). RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here