Home NATIONWIDE Calayan, Cagayan inuga ng M-5.2 na lindolNATIONWIDETOP STORIES Calayan, Cagayan inuga ng M-5.2 na lindolSeptember 23, 2025 06:592600 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang Calayan, Cagayan alas-4:33 ng madaling-araw nitong Martes, ayon sa PHIVOLCS.Tectonic ang pinagmulan ng lindol na tumama 19 kilometro kanluran ng Dalupiri Island, may lalim na 10 kilometro.Naitala ang Instrumental Intensity III sa bayan ng Claveria.Ayon sa PHIVOLCS, posible pang magkaroon ng mga aftershock. RNT