MANILA, Philippines- Naaresto ang isang call center agent, itinuturing na isa sa Top 5 most wanted individuals sa station level, ng Parañaque City Police sa isang manhunt operation na isinagawa nitong Lunes, dahil sa paglabag sa Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM) Act.
Ayon kay Southern Police District (SPD) Director, PBrig. Gen. Bernard Yang, naganap ang pag-araesto bandang alas-3 ng hapon sa Barangay Marcelo Green, Parañaque City.
Binanggit pa ni Director Yang na hinuli ang suspek sa bisa ng warrant na ipinalabas ni Judge Zandra Tubat Bato ng Imus Cavite Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 22, may petsang October 1, 2023, at may inirekomendang piyansa na ₱200,000.
Kasunod ng pag-aresto, inilagay ang suspek police custodial facility. RNT/SA