Home METRO Electrician nakuryente, patay!

Electrician nakuryente, patay!

ILOCOS NORTE- Patay ang isang electrician matapos na makuryente habang inaayos ang electrical wire sa isang bahay sa Sitio Nasaldet B, Brgy. 30 Cadaratan, Bacarra, Ilocos Norte kahapon.

Batay sa ulat, ang biktima ay edad 51, lalaki, may asawa, at residente ng naturang bayan.

Bandang alas-5:50 ng hapon ay abala ang biktima at kapatid nito sa pag-tap ng electrical wire sa bahay ng isang mangingisda sa naturang lugar.

Nang putulin ng biktima ang kawad mula sa primary line, aksidente niyang nasagi ito sanhi para makuryente siya.

Agad siyang dinala sa Bacarra Medical Center ng mga rumespondeng miyembro ng Bacarra Rural Health Unit ang biktima.

Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso

Previous articleChristmas Convoy sa PH-occupied areas sa WPS, tuloy
Next articleComeback ng NMIXX, ibinunyag na!