Home NATIONWIDE Caloocan bet Edgar Erice pinagpapaliwanag sa pahayag vs karibal sa eleksyon

Caloocan bet Edgar Erice pinagpapaliwanag sa pahayag vs karibal sa eleksyon

MANILA, Philippines- Inutusan ng Commission on Elections (Comelec) nitong Martes si Caloocan congressional candidate Edgar Erice na ipaliwanag ang umano’y malaswang pananalita laban sa karibal na si Mitch Cajayon-Uy.

Partikular na binanggit ng Comelec Task Force SAFE ang dalawang pahayag ni Erice, isa mula sa umano’y sinabing “Provocative eh. Kung artista siya okay yan. Kung performing artist siya, dancer siya, okay yan. Kung nakalabas ang cleavage mo, naka shorts ka tapos provocative dance tapos nakalabas yung dila mo–maraming vidos ang nakalabas ang dila niya.”

“She is not just reoresenting herself. She is representing two hundred thousand voters of Caloocan,” sabi pa ni Erice.

Sa isa pang campaign rally noong April 27, inihayag din umano ni Erice ang: “Kaya si Flor nakasuso yan kay Mitch. Kasama yan sa hatian.”

Ayon sa Comelec, ang pahayag ni Erice ay maaring kwalipikado bilang “diskriminasyon laban sa kababaihan” at “gender-based harassment” sa ilalim ng Comelec rules.

Inatasan ng Comelec si Erice na ipaliwanag sa loob ng tatlong araw kung bakit hindi dapat isampa laban sa kanya ang isang reklamo para sa election offense at/o petition for disqualification.

Sinabi ni Erice na “walang diskriminasyon” sa kanyang mga pahayag dahil pinupuna lamang niya ang mga aksyon ng kanyang mga karibal bilang isang pampublikong opisyal. Jocelyn Tabangcura-Domenden