Home METRO Calumpit, Bulacan, 2 linggo nang lubog sa baha

Calumpit, Bulacan, 2 linggo nang lubog sa baha

276
0

BULACAN – Baha na ang sumasakop sa ilang barangay sa Calumpit, Bulacan tulad ng Meysulao, Gatbuca, Frances, at San Miguel sa loob ng dalawang linggo.

Umaabot na sa dibdib o lampas-tao ang lalim ng tubig, kaya’t kinakailangang maglakad o sumakay sa bangka ang mga residente.

Ayon sa mga residente, hindi pa tapos ang konstruksiyon ng dike at walang sapat na pump para mailabas ang tubig sa Ilog Pampanga. Isang lalaki ang nalunod kamakailan dahil sa naantalang pagresponde.

Higit 1,400 bahay sa Barangay San Miguel ang nananatiling lubog sa baha. Bagamat may evacuation center, walang palikuran sa pasilidad. Giit ng barangay, kailangang ituloy ang pagpapatayo ng maayos na dike upang maiwasan ang patuloy na pagbaha. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here