MANILA, Philippines – Inalis na ng Department of Agriculture (DA) ang ban sa pag-aangkat ng poultry at bird products mula Australia matapos ideklarang bird flu-free ang bansa.
Saklaw ng kautusan, na epektibo agad, ang mga produktong gawa simula Hulyo 25, 2025, kabilang ang karne ng manok, itlog, at sisiw.
Ayon sa DA, makatutulong ito sa pag-stabilize ng suplay at presyo ngayong papalapit ang Kapaskuhan, kasabay ng pagtutok sa food security ng administrasyong Marcos Jr.
Mananatili ang mga patakaran sa kalusugan at kalinisan sa lahat ng imported na produkto. Santi Celario