Home NATIONWIDE Vergeire, 2 pang DOH officials, nagbitiw sa pwesto

Vergeire, 2 pang DOH officials, nagbitiw sa pwesto

261
0

MANILA, Philippines – Tatlong mataas na opisyal ng Department of Health (DOH) ang nagbitiw na sa kanilang posisyon.

Ito ang kinumpirma ni Health Secretary Ted Herbosa.

Kabilang sa mga nagbitiw sina Undersecretary Dr. Maria Rosario Singh-Vergeire, Undersecretary Achilles Gerard Bravo, at Dr. Kenneth Ronquillo.

Hindi naman sinabi ng kalihim ang rason o mga dahilan kung bakit nagbitiw sa puwesto ang mga nabanggit na opisyal.

Ngunit ayon kay Herbosa, posible aniyang dahilan na rin ito ay ang kanilang pagtuntong sa edad ng pagreretiro sa serbisyo.

Kabilang sa executive committee o exe-com ng DOH ang tatlong nabanggit na opisyal, at pawang mga career executive service officers o CESOs.

Sa isang pahayag ng DOH, hindi idinetalye ang dahilan ng pagbibitiw ng mga opisyal na dapat umanong galangin bilang pagrespeto sa kanilang privacy. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here