THAILAND – Inireklamo ng Thailand nitong Martes na nilabag ng pwersa ng Cambodia ang 10-araw na ceasefire nang pagbombaan nila ng mortars ang Ubon Ratchathani province, na ikinasugat ng isang sundalo.
Ayon sa pahayag ng Thai army, tinamaan ng shrapnel ang sundalo at inilipat para sa medikal na paggamot.
Tumanggi namang magkomento ang Cambodian defense ministry spokeswoman na si Maly Socheata tungkol sa umano’y pambobomba.
Matatandaang nagkaroon ng serye ng labanan ang dalawang bansa noong nakaraang taon, na nagtamo ng sampu-sampung patay at halos isang milyong lumikas sa magkabilang panig.
Nagkasundo ang Thailand at Cambodia ng ceasefire noong Disyembre 27, na nagtatapos sa tatlong linggong labanan.
Kasama sa kasunduan ang pagtigil sa fire, freezing ng troop movements, at kooperasyon sa demining sa border.
Pinalaya rin ng Thailand noong Disyembre 31 ang 18 Cambodian soldiers na hawak mula Hulyo, bilang tanda ng goodwill at confidence-building.
Ang matagal nang alitan ng dalawang bansa ay sanhi ng hindi pagkakaunawaan sa colonial-era border demarcation sa kanilang 800-kilometrong hangganan, kung saan pareho ang nag-aangking teritoryo at sinaunang templo.
Habang nagkasundo ang dalawang bansa na itigil ang labanan, nananatiling hindi pa rin nalulutas ang eksaktong border demarcation.
Ayon sa Cambodia, iminungkahi nila ang isang bilateral border committee meeting sa Siem Reap ngayong buwan, habang sinabi ng Thailand na maaaring ipagpatuloy ang pag-uusap sa bagong administrasyon pagkatapos ng eleksyon sa Pebrero 8. RNT/MND