Home NATIONWIDE Cambugahay Falls sa Siquijor isinara sa matinding pagbaha

Cambugahay Falls sa Siquijor isinara sa matinding pagbaha

271
0

MANILA, Philippines – Isinara sa publiko ang pamosong tourist spot sa Lazi, Siquijor dahil sa pagbaha.

Matatandaan na tumama ang matinding pagbaha sa Cambugahay Falls nitong umaga ng Oktubre 22, 2025.

Ayon sa Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO) sa Lazi, pinagbabawalan muna ang mga turista na bumisita sa lugar dahil maputik ang tubig at malakas pa ang agos ng ilog.

Sinabi ng LDRRMO na tumaas ang lebel ng tubig sa Gabayan River matapos ang dalawang oras na malakas na pag-ulan.

Kabilang sa mga istrukturang binaha ay ang opisina ng LDRRMO.

Samantala, iniulat din ang landslide sa bahagi ng Poo-Luyang National Highway sa Lazi.

Agad namang isinagawa ang clearing operations matapos ang insidente. Wala ring napaulat na nasaktan sa pagbaha at landslide.

“Nag-clearing operation kami doon. Passable naman na dahil isang lane lang naman ang natabunan ng lupa. Actually, mas matindi ang landslide noong 2022 dahil buong kalsada talaga ang natabunan. Dalawang lanes,” pahayag ni Frank Sumalpong ng LDRRMO Lazi. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here