MANILA, Philippines – Bubuksan ng North Luzon Expressway (NLEX) ang lahat ng lane nito mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 3 bilang paghahanda sa long weekend exodus sa paggunita ng Undas.
Sinabi ni Robin Ignacio, NLEX Assistant vice president for traffic operations, na inihinto rin ang lahat ng roadworks at mga road closure.
Magpapatupad din ang NLEX ng libreng towing para sa Class 1 vehicles mula Oktubre 30, alas-6 ng umaga hanggang Nobyembre 3, alas-6 ng umaga.
Hinimok ni Ignacio ang publiko na gamitin ang Balintawak toll plaza sa halip na Mindanao Avenue toll plaza, dahil sa nagpapatuloy na konstruksyon ng extension ng expressway.
Samantala, maaari namang magtungo sa alinmang Easytrip branch ang mga nagnanais na magpalagay ng bagong One RFID stickers. RNT/JGC