Home TOP STORIES Camille Villar, inendorso ng gobernador at mga opisyal ng Zambales

Camille Villar, inendorso ng gobernador at mga opisyal ng Zambales

ZAMBALES – Tumanggap ng mainit na suporta si Deputy Speaker at senatorial candidate Camille Villar mula kay Zambales Governor Hermogenes Ebdane Jr. at mga lokal na opisyal sa kanyang pagbisita sa lalawigan nitong Lunes, Abril 21.

Binisita ni Villar ang Castillejos, Iba, Olongapo, at iba pang bayan upang makipagpulong sa mga senior citizens, kabataan, at socio-civic groups. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagtutulungan ng nasyonal at lokal na pamahalaan para matugunan ang pangangailangan ng bawat lalawigan.

Pinuri ni Ebdane ang tulong ng pamilya Villar sa Zambales, partikular sa mga proyektong pang-imprastruktura at agrikultura. “Isa lang ang kandidata natin,” ani Ebdane, tinutukoy si Villar na pinakabatang kandidato sa Senado.

Sa programang “RICEUP” sa Iba, itinulak ni Villar ang pagbibigay ng pagsasanay sa agribusiness para sa mga magsasaka at mangingisda. Nakipagkita rin siya sa mga senior citizens sa isang pagtitipon na pinangunahan ni Olongapo Mayor Rolen Paulino Jr. RNT