Home NATIONWIDE DA mamamahagi ng P1B halaga ng baboy para sa pagpapalakas ng hog...

DA mamamahagi ng P1B halaga ng baboy para sa pagpapalakas ng hog inventory

MANILA, Philippines- Nakatakdang mamahagi ang Department of Agriculture ng P1 bilyong halaga ng baboy sa malalaking sakahan ng hayop sa buong bansa.

Layon nito na ibalik ang hog population ng bansa sa pre-African Swine Fever level na 14 milyong ulo sa loob ng tatlong taon.

Sa isang kalatas, sinabi ng DA na ang 30,000 gilts ay ibibigay sa large-scale farms, kung saan babayaran sa gobyerno sa pamamagitan ng “supplying reared pigs” para sa redistribution sa backyard farmers.

Sa kabilang dako, hinikayat naman ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr. ang swine industry na suportahan ang three-year initiative, naglalayong itaas ang kasalukuyang current inventory—tinatayang 8 million heads—ng 75% sa 2028.

Inanunsyo ng DA ang kasunduan kasama ang industry stakeholders para palakasin ang pagpapatupad ng maximum suggested retail price para sa baboy. Nangako naman ang pribadong sektor na imo-monitor ang mga miyembro nito at pigilan ang profiteering.

Ang MSRP, naging epektibo noong Marso 10, itinakda sa P380 per kilo para sa liempo, P350 para sa kasim at pigue sa wet markets sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila, at P300 per kilo para sa baboy na ibinebenta ng mga traders sa mga retailers. Hindi kasama sa rate ang supermarkets at hypermarkets.

“The renewed commitment followed a consultative meeting on April 14, after DA market inspections earlier this month found that fewer than 10% of sellers were complying with the MSRPs,” ang sinabi ng DA.

“Retailers have cited challenges in meeting the pricing guidelines, including limitations on selling other pork cuts and the high cost of biosecurity measures due to ASF,” ayon sa ulat.

Hanggang noong April 15, 2024, makikita sa datos ng DA na ang frozen kasim ay pumapalo sa presyong P251.37 per kilo at frozen liempo ay P313.94 per kilo sa mga pamilihan sa Metro Manila. Kris Jose