
Ipinahayag ng millennial senatorial candidate na si Camille Villar ang kanyang pag-asa na lalo pang uunlad ang industriya ng bangus (milkfish) sa Dagupan, Pangasinan, dahil sa matagumpay na sektor ng aquaculture sa lalawigan.
Hindi maitago ni Camille Villar ang kanyang kasiyahan nang makisaya siya sa pagdiriwang ng Bangus Festival kamakailan. Napansin niya ang lawak at dami ng mga bangus na tampok sa Bangusan Street Party, kung saan higit 20,000 piraso ng bangus ang inihaw sa 1,100 grills—ang pangunahing tampok ng selebrasyon.