Home NATIONWIDE Tolentino: Mabuting relasyon ng Japan at Pilipinas, pinatunayan ng pagbisita ng Japanese PM

Tolentino: Mabuting relasyon ng Japan at Pilipinas, pinatunayan ng pagbisita ng Japanese PM

0
Tolentino: Mabuting relasyon ng Japan at Pilipinas, pinatunayan ng pagbisita ng Japanese PM

MANILA, Philippines – Muling pinagtibay ng pagbisita ni Japanese Prime Minister Shigeru Ishiba sa Pilpinas ang kooperasyon at mabuting relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Nagpahayag ng pasasalamat si Senator Francis TOL Tolentino sa Japanese leader sa kanyang pagdalaw sa bansa – isang indikasyon, ayon sa senador, ng patuloy na pagkakaibigan at kahandaan ng Japan na maging katuwang sa pag-unlad ng bansa at sa pagtatanggol sa ating seguridad at soberanya.

Dumating sa bansa si Prime Minister Ishiba noong Abril 29 para sa dalawang araw na pagbisita sa Pilipinas bilang bahagi ng kanyang paglilibot sa Timog Silangang Asya.

Inaasahang pag-uusapan ng Prime Minister at ng Pangulong Marcos ang mga isyung pang-ekonomiya at pang-seguridad sa pagbisita ng Japanes leader sa Malacañang. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here