Manila, Philippines – Lumahok si Camille Villar, kandidato sa senado, sa Puso Ti Kababaihan District Celebration 2025 para sa National Women’s Month na dinaluhan ng 8,000 katao sa Candon City Arena, Ilocos Sur noong Marso 8, 2025.
Binibigyang-diin ni Villar ang mahalagang papel ng kababaihan sa komunidad at ang pangangailangang ipaglaban ang kanilang karapatan sa kabila ng mga hamon sa buhay.
Ibinahagi rin ni Villar ang kanyang pag-unawa sa maraming responsibilidad ng kababaihan sa pagbalanse ng pamilya, karera, at personal na buhay.
Nagpasalamat siya kay Deputy Speaker at 2nd District Rep. Kristine Singson-Meehan, Candon City Mayor Eric Singson, at iba pang lokal na opisyal sa kanilang imbitasyon sa nasabing pagdiriwang na tampok ang isang masayang Zumba session kasama ang mga residente. Cesar Morales