Home NATIONWIDE Kontribusyon ng mga kababaihan kinilala ng “Alyansa” bets

Kontribusyon ng mga kababaihan kinilala ng “Alyansa” bets

MANILA, Philippines – Kasabay ng pagdiriwang ng International Women’s Day celebration ngayong Marso 8, nagbigay pugay sa mga kababaihan ang ilang Alyansa bets at tiniyak na mas palalakasin ang sector.

Ayon kay Senatorial candidate Camille Villar sya ang magiging boses ng mga kababaihan sa Senado sa oras na maluklik ito sa pwesto, aniya, ipaprayoridad nya ang mga panukalang batas na magbibigay proteksyon at magpapalakas sa mga kababaihan.

“Women play a vital role in nation-building. I have a high respect for women of all ages, colors and status. I believe that protecting the interests of women, ensuring their welfare, and empowering them is an important service that I could continue to give to all Filipinos when I am elected to the Senate,” ani Villar.

Si Villar ang may akda ng House Bill No. 10697, o Pregnant Women Welfare Act, na nagsusulong na magkaroon ng ng flexible work arrangements o work-from-home program ang mga buntis at maging mga postnatal mothers na 1 taon pa lamang mula nang manganak.

Ang HBN 10695, o Equal Maternity Protection Act, na nagsusulong ng maternity benefits gaya ng one-time direct maternity cash benefit sa bawat panganganak at awtomatikong Philhealth coverage sa mga manggagawang babae na hindi miyembro ng Social Security Services (SSS);

Ang HBN 10694 na nagpapanukala na magbahagi ng maternity kits sa mga low-income pregnant Filipino women upang palakasin ang prenatal care gayundin ang HBN 5684 na nagtatakda na bawal tanggihan ng mga lying in at ospital ang mga manganganak.

“I want to be the voice of the Filipino women in the Senate. Bilang isang millennial leader, nais kong itulak ang mga makabagong solusyon para sa mga problemang patulay na kinakaharap ng mga kababaihan” ani Villar.

Sa panig ni Alyansa senatorial candidate Abby Binay hinikayat nito ang mga kababaihan na tuparin ang kanilang pangarap na magkaroon ng career gaya umano nila ni Villar na hangad na magsilbi sa pamahalaan kaya tumatakbo sa pagkasenador.

“Continue pursuing their dreams.If we can do it, so can you. If we are running for a national position even if we’re already mothers, even if we still need to take care of our families, we can still have a career … if we can do it, so can other women,” pahayag ni Binay.

Kinilala din nila dating Senate President Vicente “Tito” Sotto at Sen Ping Lacson ang malaking role na ginagampanan ng mga kababaihan lalo na sa paghubog sa bansa.

Sa selebrasyon ng women’s day, nanawagan naman si ACT-CIS Partylist Rep Erwin Tulfo sa mga kalalakihan na tiyaking nabibigyang proteksyon ang mga kababaihan

“As gentlemen, we have to protect [them] because we have to remember that we have sisters, mothers, and we just have to make them feel that this is a safe place for them,” paliwanag ni Tulfo.

Maliban kina Villar, Binay, Sotto, Lacson, and Tulfo, kasama din sa senatorial candidates ng Alyansa sina Interior Secretary Benhur Abalos, Senator Ramon Bong Revilla, Senator Pia Cayetano, Senator Lito Lapid, Senator Imee Marcos, dating Senator Manny Pacquiao at Senator Francis “Tol” Tolentino. Gail Mendoza