Home HOME BANNER STORY Campaign materials ng 34 party-list pinababaklas ng Comelec

Campaign materials ng 34 party-list pinababaklas ng Comelec

MANILA, Philippines – Inatasan ng Commission on Elections (Comelec) ang nasa 34 na party-list group na sumasali sa halalan sa Mayo 2025 na tanggalin ang kanilang campaign materials dahil sa paglabag sa mga patakaran ng eleksyon.

Ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia, makakatanggap ng abiso ang mga grupong ito dahil sa sobrang laki ng kanilang campaign materials, hindi pagiging eco-friendly, o paglalagay sa maling lugar.

Kabilang sa mga binanggit na grupo ay ang Trabaho, Act-CIS, Solid North Party, Dumper PTDA, Apec, Manila Teachers, BH-Bagong Henerasyon, 1Agila, Asenso Pinoy, 4K, Agri, Gabay, Philreca, A Teacher, Laang Kawal, at TGP.

Kabilang din ang Tingog, 1Pacman, Apat-Dapat, Batang Quiapo, Magdalo, Nanay, Pamilya Ko, PPP, United Frontliners, Uswag Ilonggo, Ang Probinsiyano, Abang Lingkod, LPGMA, OFW, Kalinga, KM Ngayon Na, Pinoy PM, at Pinoy Workers.

Binigyan ang mga ito ng tatlong araw para sumunod, kung hindi ay mahaharap sila sa kasong diskwalipikasyon.

Nagsimula ang campaign period para sa mga senatorial at party-list candidates noong Pebrero 11 at tatagal hanggang Mayo 10. RNT