Home HOME BANNER STORY Campaign period para sa lokal na kandidato umarangkada na

Campaign period para sa lokal na kandidato umarangkada na

Larawan mula sa 102.9 Sweet FM Kabankalan

MANILA, Philippines – Nagsimula na ang 45-araw na campaign period para sa mga lokal na kandidato sa Eleksyon 2025 ngayong Marso 28.

Pinaalalahanan ni Comelec Chairperson George Erwin Garcia ang mga kandidato na sumunod sa batas-panghalalan. Ang kampanya para sa mga pambansang kandidato ay mula Pebrero 11 hanggang Mayo 10, habang para sa mga lokal na kandidato ay mula Marso 28 hanggang Mayo 10.

Samantala, ipinagbabawal naman ang pangangampanya sa Abril 17 (Huwebes Santo), Abril 18 (Biyernes Santo), Mayo 11 (bisperas ng halalan), at Mayo 12 (Araw ng Halalan).

Magpapatupad ang Comelec ng mahigpit na regulasyon sa campaign materials, kabilang ang tamang sukat at lokasyon. May 60 minutong airtime ang kandidato sa TV at 90 minuto sa radyo.

Paiigtingin ang pagbabantay laban sa bilihan at bentahan ng boto at pag-abuso sa yaman ng gobyerno.

Ilulunsad ang Grand Oplan Baklas upang alisin ang mga campaign materials na ilegal.

Kailangang alisin ng mga kandidato ang mga labag sa batas na campaign posters sa loob ng tatlong araw o haharap sa diskwalipikasyon.

Sa local elections, may 18,320 posisyong pinaglalabanan, kabilang ang 12 upuan sa Senado, 63 party-list seats, 254 puwesto sa Kongreso, at iba’t ibang lokal na posisyon.

Mayroong 69.67 milyong rehistradong botante, kung saan 1.24 milyon ay overseas voters na maaaring bumoto mula Abril 13 hanggang Mayo 12. RNT