Home NATIONWIDE LPA, easterlies magpapaulan sa Pinas

LPA, easterlies magpapaulan sa Pinas

MANILA, Philippines – Magdadala ng maulap na kalangitan at pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa ngayong Biyernes ang isang Low Pressure Area (LPA) at easterlies, ayon sa PAGASA.

Ala-3:00 ng umaga, ang LPA ay nasa 95 km silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, na magdadala ng pag-ulan at pagkulog sa Caraga, Eastern Visayas, Albay, Sorsogon, Masbate, at Catanduanes, na maaaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Magiging maulap hanggang bahagyang maulap naman sa Metro Manila at ibang bahagi ng bansa na may panaka-nakang pag-ulan dahil sa easterlies, na may posibilidad ng pagbaha sa matitinding thunderstorms. RNT