Home NATIONWIDE Campaign plan, operational accomplishments, iniulat ng AFP kay PBBM

Campaign plan, operational accomplishments, iniulat ng AFP kay PBBM

1
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanilang campaign plan at operational accomplishments para sa isang ligtas at matatag na kapuluan na ginawa sa ginanap na 1st Semester CY2026 AFP Command Conference sa Camp Aguinaldo, sa Quezon City.

Sa command conference, iniharap ng AFP kay Pangulong Marcos ang pagsusuri sa naging progreso ng mga operasyon, plano, at programa ng militar.

Nagbigay rin ng briefing ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa  Pangulo, na siya ring Commander-in-Chief,  hinggil sa mga naging tagumpay nito sa unang kalahati ng taon, gayundin sa mga plano at layunin para sa mga susunod na buwan.

Ang command conference ay nagsisilbing campaign review, kung saan iniuulat ng AFP sa Pangulo ang mga nagawa nito at sinusuri ang pagpapatupad ng campaign plan.

Nauna nang ipinaliwanag ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang mga plano na nakatuon sa pagtatatag ng isang matatag at ligtas na kapuluan sa pamamagitan ng magkakaugnay na pambansang pagsisikap.

Dinaluhan ang command conference ng mga pangunahing pinuno ng AFP mula sa iba’t ibang panig ng bansa kasama na si  Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here