Home HOME BANNER STORY Impeachment trial vs VP Sara, tuloy sa kabila ng petisyon sa SC

Impeachment trial vs VP Sara, tuloy sa kabila ng petisyon sa SC

1
0

MANILA, Philippines – Magpapatuloy ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte kahit may nakabinbing petisyon sa Korte Suprema (SC) na ipahinto muna ang paglilitis habang dinidinig ang isyu sa awtoridad ni Senate President Francis “Chiz” Escudero bilang presiding officer.

Ayon kay impeachment trial spokesperson Atty. Reginald Tongol, walang inilalabas na temporary restraining order (TRO) o status quo ante order ang SC kaya tuloy ang paglilitis.

Sinabi rin ni Tongol na kung maglabas man ang SC ng ganitong utos, ang buong impeachment court ang boboto kung paano ito haharapin.

“I think pagbubotohan po ‘yun ng impeachment court as a collegial body,” ani Tongol.

Ipinaliwanag niya na dahil collegial body ang impeachment court, hindi isang tao lamang ang maaaring magpasya para rito.

Noong Lunes, naghain ng petisyon sa SC ang grupo ng mga abogado na pinangungunahan ni Israelito Torreon upang ipahinto ang paglilitis hanggang maresolba ang usapin sa awtoridad ni Escudero. Hiniling din nilang tiyaking ang paglilitis ay isasagawa lamang sa ilalim ng wastong impeachment rules at ng presiding officer na walang kinakaharap na isyung konstitusyonal.

Sinabi ni Tongol na igagalang ng Senado ang sub judice rule at hindi na muna magkokomento pa tungkol sa nakabinbing kaso sa Korte Suprema.

Magpapatuloy ang impeachment trial sa ikatlong araw nito ngayong Miyerkules. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here