Home NATIONWIDE Cancer assistance fund access sites sa bansa, dinagdagan

Cancer assistance fund access sites sa bansa, dinagdagan

217
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na nadagdagan pa ang cancer assistance fund access sites sa bansa.

Ayon sa Kagawaran, mula sa 34 ay umabot na ito sa 36 para umalalay sa mga pasyenteng may cancer.

Kabilang ang mga high-risk na kailangan ng kagyat na atensiyong medikal.

Una nang ipinag-utos ng kasalukuyang administrasyon na pagtibayin ang suportang medikal para sa pagpapagamot ng anumang uri ng cancer.

Ayon sa DOH, ang karagdagang CAF Access Sites ay sa Oriental Mindoro Provincial Hospital sa Region 4-B at Democrito Plaza Memorial Provincial Hospital sa Region 13. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here