Home ENTERTAINMENT Candy, binisita ang anak, may natuklasan!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Candy, binisita ang anak, may natuklasan!May 13, 2025 15:14 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Surprise ang naging pagdalaw ni Candy Pangilinan sa Cucina di Francesca sa loob ng St. Pio Chapel sa Quezon City.Doon kasi nag-o-on the job training o OJT ang kanyang kaisa-isang anak na si Quentin.Already a teenager, si Quentin ay nasa autism spectrum disorder.Gayunpaman, hindi ito naging hadlang para hindi siya mamuhay nang normal just like anyone else.Aminado ang komedyana na unang beses daw niyang pagbisita ‘yon sa workplace ni Quentin who has been working there for two months now.Whats Quentin does — he takes orders, prepares juices and coffee at iba pa.Sine-serve din niya ang mga ito at nagsusukli sa ibinabayad ng kostumer.Isinasama rin si Quentin ng kanyang superior sa grocery kung saan hinahanap nito ang mga items sa listahan.So far, so good ang performance ni Quentin na ayon kay Candy is more behaved when she’s not around o walang nakikitang pamilyar na mukha sa paligid.Puring-puri nga si Quentin ng kanyang mga superiors.And Candy can’t any be prouder of her son.Nananawagan din si Candy sa ibang mga establishments na kunin sa kanilang empleyo ang mga PWD.Si Quentin nga naman ang makakapagpatunay na malaki ang silbi ng mga ito sa kabila ng kanilang kapansanan. Ronnie Carrasco III