Home NATIONWIDE Eleksyon 2025 mas mapayapa kumpara sa mga nakaraang halalan – Comelec chief

Eleksyon 2025 mas mapayapa kumpara sa mga nakaraang halalan – Comelec chief

MANILA, Philippines- Sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia na ang May 12, 2025 midterm election ay ang pinakapayapa sa ngayon pagdating sa usapin ng election-related violence.

Ito ay sa konteksto ng 128 insidente ng election-related violence na naitala noong 2019 at humigit-kumulang 120 noong 2022.

Sinabi rin ni Garcia nitong May 12 ay nakapagtala sila ng 44 na insidente ng karahasan na may kaugnayan sa halalan.

Ipinahayag din ni Garcia na pagdating sa deklarasyon sa ilalim ng red category, sa kasalukuyan ay may 34 na lugar ang idineklara sa ilalim nito. Kumpara sa 2019 at 2022, ang mga botohan ngayong taon ay lumilitaw na may pinakamababa sa kategoryang ito.

Sa buong araw, sinabi ni Garcia na kailangan nilang palitan ang kabuuang 311 Automated Counting Machines (ACMs). Ang poll body ay may 16,000 contingency machine na nakaantabay.

Sinabi ni Garcia na ang mga isyu, ang mismong ACM, ang ACM cover, ACM scanner, ACM screen, mga balota, manual audit, operational concern, procedural, smart card, thermal cutter, thermal paper, thermal printer, at USB device.

Sinabi rin ni Garcia na hindi sila nakaranas ng anumang problema sa final testing and sealing (FTS) ng mga makina para sa May 2025 polls. Ngunit noong 2022, sinabi ng hepe ng botohan na may kabuuang 2,000 makina ang nagkaroon ng mga problema.

Ilang oras matapos ang pagboto, batay sa website ng Comelec, nasa kabuuang 76,160 o 81.55 porsyento ng local Election Returns (ERs) ang natanggap ng server nito mula sa 93,387 poll return na inaasahang matatanggap. Sa kabilang banda, 118 ERs o 48.76 porsyento ang natanggap mula sa 242 poll return na inaasahan. Jocelyn Tabangcura-Domenden