MANILA, Philippines – Nag-alay ng panalangin si Pope Leo XIV para sa lahat ng Pilipinong naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa baybayin ng Sarangani noong nakaraang linggo at kumitil na ng 61 buhay sa ngayon.
Ipinahayag ng Santo Papa ang kanyang panalangin at pakikiramay sa isang post sa kanyang X account.
Tiniyak din ng Santo Papa ang kanyang pakikiisa sa mamamayan ng Pilipinas na tinamaan bilang araw na ang nakalipas ng malakas na lindol.
“Idinadalangin ko ang mga nasawi at kanilang mga pamilya, ang mga sugatan, at lahat ng nagdurusa dahil sa kalamidad na ito,” dagdag pa niya.
Lunes ng umaga noong June 8 nang yumanig ang malakas na lindol sa baybayin ng Sarangani na dahilan din para magpalabas ng tsunami warning.
Sa nasabing pagyanig, umabot sa 61 ang death toll kung saan 54 mula sa Region 12 at pito naman mula sa Region 11.
Noong Linggo, idinagdag ng OCD na 173,000 pamilya o 724,000 katao na ang naapektuhan ng pinsala ng malakas na lindol. Umabot na rin sa kabuuang 5,200 aftershocks na mula magnitude 1.2 hanggang 6.4 ang naitala, 1,307 dito ang na-plota at 76 ang naramdaman.
Dahil din sa pinsalang dulot ng lindol, nagdeklara ng state of calamity sa Sarangani at sa General Santos City. Jocelyn Tabangcura-Domenden