Home HOME BANNER STORY Canva naglunsad ng offline editing, AI learning tools

Canva naglunsad ng offline editing, AI learning tools

141
0

PERTH, Australia – Naglunsad ang Canva ng bagong offline editing mode na magpapahintulot sa users na makapag-design kahit walang internet connection.

Ayon sa kumpanya, maaari nang mag-edit ng designs, mag-upload ng local image files, at ipagpatuloy ang trabaho kahit offline.

Inilunsad din ng Canva ang “Learn Grid,” isang AI-powered learning feature para sa mga guro at estudyante.

Pinagsasama nito ang libo-libong learning resources at AI-generated activities na nakaayos ayon sa grade level, subject, at learning outcome.

Kayang gumawa ng feature ng interactive games, worksheets, at iba pang learning activities sa mahigit 30 format at 16 na wika.

Libre ito para sa teachers at students sa buong mundo at maaaring ma-access direkta sa Canva homepage.

Ayon sa Canva, bahagi ito ng kanilang “Canva AI 2.0,” na layong gawing mas mabilis at mas madali ang paggawa ng content gamit ang AI-powered tools para sa mahigit 250 milyong buwanang users. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here