Home NATIONWIDE PRRD, “in good spirits” sa ICC — VP Sara

PRRD, “in good spirits” sa ICC — VP Sara

63
0

THE HAGUE, Netherlands – Sinabi ni Vice President Sara Duterte na nasa “good spirits” o maayos ang kalagayan ni dating pangulong Rodrigo Duterte habang hinaharap nito ang kaso sa International Criminal Court sa The Hague, Netherlands.

Ayon kay Duterte, nagkausap sila ng kanyang ama at karamihan sa kanilang napag-usapan ay tungkol sa pamilya at mga anak.

“Okay lang siya, he’s in good spirits. Nag-snack kami and mainly family ‘yung napag-usapan,” ani Duterte.

Sinabi rin niya na hahayaan na lamang nila ang ICC na maglabas ng opisyal na pahayag tungkol sa kaso ng dating pangulo.

Kinumpirma rin ni Duterte na hindi pa niya nakikilala ang bagong abogado ng kanyang ama na si Peter Haynes.

Samantala, kinumpirma ng Office of the President na inaprubahan ang revised foreign travel schedule ni Duterte mula Mayo 2 hanggang 15, kabilang ang biyahe sa Netherlands, South Korea, Belgium, Germany, at United Kingdom. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here