Home HOME BANNER STORY Card, QR code maaaring ipambayad sa LRT-2

Card, QR code maaaring ipambayad sa LRT-2

1
0

MANILA, Philippines – Maaari nang magbayad ng pamasahe sa LRT-2 gamit ang Visa o Mastercard debit, credit, at prepaid cards, pati na rin sa pamamagitan ng QR code.

Pormal na inilunsad nitong Lunes ang bagong automated fare collection system, na pinapatakbo ng RCBC katuwang ang Visa.

Sa ngayon, available ito sa lahat ng 13 estasyon ng LRT-2, mula Recto, Maynila hanggang Antipolo City. Inaasahan ding palalawakin ang sistema sa LRT-1.

Nauna nang naipatupad ang katulad na tap-to-pay system sa MRT-3 noong 2025.

Kasabay ng paglulunsad, nag-alok din ang RCBC ng PISO Fare Cashbook Promo, kung saan maaaring makatanggap ng fare cashback ang mga kwalipikadong customer mula Hulyo 13 hanggang Hulyo 31.

Maaari ring gamitin ng mga commuter ang kanilang smartphone sa pagbabayad gamit ang Google Pay at mga naka-link na debit o credit card at suportadong e-money account. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here