Home NATIONWIDE Cardinal David sa mga Pinoy: Pagpili ng sunod na papa ‘di ‘political...

Cardinal David sa mga Pinoy: Pagpili ng sunod na papa ‘di ‘political contest’

MANILA, Philippines- Pinaalalahanan ni Cardinal Pablo Virgilio David ang mga Katoliko na ang pagpili ng isang papa ay isang spiritual discernment at hindi isang political contest.

Sa isang post sa Facebook, hinimok ni David ang mga Katoliko na “magtiwala sa gawain ng Banal na Espiritu,” gayundin ang College of Cardinals na siyang mamahala sa pagpili ng susunod na papa.

Sinabi rin ng David na ang pagbabahagi ng campaign videos kahit na may magandang intensyon ay nagdudulot ng panganib na gawing palabas ang sacred discernment.

Idinagdag pa ni David na ang mga ito ay maaaring hindi sinasadyang pressure o mapolitika ang mga kardinal o magambala sila.

Sa halip na magpakita ng suporta at kagustuhan sa pamamagitan ng mga video, sinabi ni Davd na mas mabuting ipagdasal ang mga maghahalal.

Sinabi rin ng Cardinal na mas mainam na magsalita ng “words of encouragement sa halip na endorsement.”

Si David kasama sina Cardinal Luis Antonio Tagle at cardinal Jose Advincula ay tatlong Filipino cardinal-electors na makikibahagi sa paghalal ng bagong papa.

Obispo ng Diocese of Kalookan si David na nauna nang minaliit ang listahan ng ‘top contenders’ para sa susunod na papa, na tinawag itong “arbitary.” Jocelyn Tabangcura-Domenden