Manila, Philippines- April 10, 2025 ginanap ang 13th World Class Excellence Japan (WCEJA) at ito na ang pinakahuling award giving body na nagbigay ng parangal sa namayapang aktres na si Nora Aunor.
Ang WCEJA ay pinamumunuan ng tinaguriang Asia’s Princess og Song na si Emma Cordero, na ngayon ay ilang taon nang naka-base sa Fukuoka, Japan.
Global Icon of Philippine Cinema. Yan ang title ng pinakahuling paranagal na nakuha ni Ate Guy nu’ng nabubuhay pa siya at ito ay tinanggap on her behalf ng kanyang ‘special friend’ na si John Rendez, sa malaking function room ng Heritage Hotel, Pasay City.
A few weeks before the awards night ay nagpasabi na ang National Artist for Film and Broadcast Arts na hindi siya makakadalo sa nasabing event dahil sa kanyang karamdaman.
Pinapunta ni Ate Guy si John upang tanggapin ang kanyang recognition at mapapansin din na hindi nagtagal ang rapper at umalis agad ng hotel upang balikan at samahan ang may dinaramdam nang aktres.
One day after the momentous event ay sinubukan din ni Emma na i-text si Ate Guy upang dalawin sa kanyang bahay ngunit hindi na rin ito nagpaunlak dahil na rin siguro sa sakit na kanyang pinagdaanan.
Naging malapit sa isa’t-isa sina Ate Guy at Emma dahil halos pareho sila nang pinagmulan.
Pareho silang laki sa hirap na nagsumikap upang makamtan ang tagumpay.
Nagkasundo sina Ate Guy at Emma at madalas silang nagkakausap at nagpapalitan ng messages sa cellphone.
May ilang mga personal na bagay din ang kino-confide ni Nora kay Emma na hibdi na rin siguro isasapubliko ng huli kahit kailan.
Sa FB page ni Emma ay madamdamin niyang pinost ang mga latagang, “RIP Ate Guy, Nora Aunor, my Superstar. I love you, I will miss you. Hindi kita malilimutan. Paalam ate Guy. My prayers,my deepest sympathy and condolences to the family.”
Isa si Emma sa mga tao sa showbiz industry na nagkaroon ng significant part sa buhay sa buhay ng Superstar sa kanyang mga huling sandali. JP Ignacio