Home NATIONWIDE Cards, e-wallets pwede nang pambayad sa MRT

Cards, e-wallets pwede nang pambayad sa MRT

MANILA, Philippines – Maaari nang magbayad ng pamasahe sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) gamit ang Mastercard credit, debit, o prepaid card sa pamamagitan ng pagtap sa contactless turnstiles, simula Biyernes, Hulyo 25.

Maaari rin itong magamit ng mga may compatible na e-wallet sa NFC-enabled Android smartphones para sa mas maginhawang biyahe.

Sa open-loop payment system, maaaring gumamit ng umiiral na bank cards o mobile wallets sa pagbabayad, kaya hindi na kailangan ng espesyal na transit card o cash. May kasamang advanced security features upang maiwasan ang skimming at payment fraud.

Bahagi ito ng pagtutulak ng pamahalaan para sa mas maayos at matalinong urban mobility at sa pagpapalaganap ng digital payments sa Southeast Asia.

Naipatupad na rin ng Mastercard ang katulad na sistema sa mga lungsod tulad ng London, Sydney, at Singapore. RNT