Home METRO Bahagi ng Smokey Mountain sa Tondo, gumuho; 60 pamilya, inilikas

Bahagi ng Smokey Mountain sa Tondo, gumuho; 60 pamilya, inilikas

251
0

 

NAGPATUPAD ng “force evacuation” ang lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila sa area ng Barangay 128 sa Tondo makaraang gumuho ang malambot na lupa sa bahagi ng Smokey Mountain dulot ng walang tigil na ulan bunsod ng habagat.

Ayon kay Manila Department of Social Welfare (MDSW) Director Jay Reyes Dela Fuente, nasa higit 60 pamilya ang inilikas at pansamantalang nanunuluyan sa Bldg. 18 Covered court ng Bargy. 128.

Sanib pwersa ang mga tauhan ng MDSW, Department of Engineering and Public Works, Manila Traffic and Parking Bureau, at Manila Disaster Risk Reduction Management Office sa pagpapalikas sa mga apektadong pamilya.

Aniya, may mga hotmeals na silang ipinamahagi sa bawat pamilya, mga bottled water, mga kits at food packs.

Nabatid na inilikas ang nasabing bilang ng mga pamilya makaraang gumuho ang malambot na lupa sa area ng upper smokey mountain at posibleng may maganap pa uli na pagguho.

Ayon kay Dela Fuente, wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa nasabing kaganapan. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here