Home NATIONWIDE PWD ID libre sa Maynila; alok online, ibinabala

PWD ID libre sa Maynila; alok online, ibinabala

895
0

MANILA, Philippines – NAGPAHAYAG ng pagka-alarma ang pamunuan ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) hinggil sa Manila PWD (person with disability) I.D. Online Assistance kung saan maaaring makakuha ng Manila PWD ID na may kasamang booklet kapalit ng halagang P1,500.

Ayon kay MDSW Director Jay Reyes Dela Fuente, ang naturang impormasyon ay iniaalok sa social media FB page na may account name na Pablo Escbr.

Aniya, pawang kasinungalingan umano ito at isang “scam” o uri ng panloloko dahil una sa lahat, wala umanong online assistance ang tanggapan ng MDSW upang makakuha ng PWD ID at pangalawa ay libreng makakakuha ang mga Manilenyong may kapansanan ng kanilang PWD ID sa mismong tanggapan nila sa Manila City Hall na Person with Disability Affairs Office (PDAO) gayundin sa kanilang anim na District office sa buong Maynila.

Nabatid na maging ang iniaalok na PWD ID sa nasabing FB page ay pirmado nina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, Vice Mayor Chi Atienza at ni MDSW Director Jay Reyes Dela Fuente.

Bukod pa dito, naka-encode na umano sa database ng Department of Health (DOH) ang inyong i-aavail sa kanila na PWD ID at idedeliber na lamang sa kanilang bahay matapos ang mga nasabing proseso na siyang pinasinungalingan naman ni Dir. Dela Fuente.

Nagbabala naman si Dela Fuente sa publiko partikular na sa mga Manilenyo na huwag basta-basta maniniwala sa social media hinggil sa online assistance upang maka-avail ng PWD ID at iginiit nito na “walang bayad” ang pagkuha ng PWD ID sa lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila para sa mga may kapansanang residente sa kabisera ng bansa. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here