Home NATIONWIDE Gobyerno, may sapat na calamity funds – DBM

Gobyerno, may sapat na calamity funds – DBM

237
0

MANILA, Philippines – May sapat na pondo ang gobyerno para sa disaster response at recovery efforts sa calamity-stricken areas sa bansa.

Ito ang tiniyak ng Department of Budget and Management (DBM) Sec. Amenah Pangandaman, sabay sabing nakahanda ang gobyerno na tugunan ang mga pangangailangan ng mga indibidwal na na-displaced dahil sa malawakang pagbaha bunsod ng malakas na pag-ulan na pinalakas pa ng southwest monsoon o “habagat” sa ilang bahagi ng bansa.

Sinabi pa ni Pangandaman na mayroong available funds na maaaring gamitin sa mga lugar na apektado ng masamang epekto ng masungit na panahon.

Aniya, ang availability ng calamity funds ay alinsunod sa naging direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyakin na ang mga Filipino sa disaster-hit areas ay mabibigyan ng kagyat at kinakailangang suporta.

“Sa ating national budget naman po, may nakalaan tayong pondo na handang tumugon sa panahon ng kalamidad o ‘yung tinatawag po nating NDRRMF,” ayon kay Pangandaman.

“Bawat front-line agencies din po ay may stand-by fund na maaaring gamitin sa relief and recovery efforts. So, we appeal to them to closely coordinate with us so we can provide them with what they need, including the replenishment of their Quick Response Funds,” aniya pa rin.

Ang QRF ay isang built-in stand-by fund na ginagamit ng mga ahensiya sa kanilang paghahanda at relief at rehabilitation efforts sa panahon ng sakuna at kalamidad.

Maaari namang mag-request ang mga kinauukulang ahensiya sa DBM na dagdagan muli ang kani-kanilang QRFs kung saan ang 50% ng pondo ay nagamit na.

Sinabi pa ni Pangandaman na walang dapat ipag-alala ang publiko dahil bibilisan ng departamento ang pagpapalabas sa calamity funds.

“Huwag pong mag-alala ang ating mga kababayan dahil may sapat pong pondo ang pamahalaan. Ang DBM naman po, basta’t kailangan at kumpleto ang dokumento, agad naming pinoproseso ang release ng pondo,” ang winika ng Kalihim.

Hinikayat naman ng Kalihim ang lahat ng kinauukulang ahensiya ng gobyerno na tiyakin na tama at episyente ang paggamit ng pondo.

“Kaya naman nananawagan po ang DBM sa lahat ng mga government agencies na siguraduhin na ang pondong inilalabas namin, down to the last centavo, ay makakarating sa mga nararapat na benepisyaryo.” Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here