CAUAYAN CITY- Lumubog ang isang cargo vessel sa katubigan ng Barangay Diana, Maconacon, Isabela nitong Miyerkules dahil sa walang tigil na malakas na ulan, ayon sa mga lokal na awtoridad.
Nakasilong ang vessel, hindi pa natutukoy ang may-ari, sa Maconacon coast mula nang manalasa ng bagyong “Pepito” (international name: Man-yi) sa lalawigan.
Subalit, hindi ito nakabalik sa norte dahil sa epekto ng northeast monsoon at shearline, ayon kay Bernard Plasos ng Maconacon Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.
Base sa mga awtoridad, posibleng tumama ang palutang-lutang na punong-kahoy sa katawan ng bangka.
Nagsasagawa na ng manitoring sa lugar sa gitna ng pag-ulan. RNT/SA