BACOLOD CITY- Pinatay muna ng isang security guard ang dalawa niyang anak na babae bago ito magpatiwakal sa Barangay Buntis, Bacong, Negros Oriental nitong Huwebes ng umaga.
Sinabi ni Police Lt. Stephen Polinar, tagapagsalita ng Negros Oriental police, na nagtungo ang 30-anyos na suspek sa bahay ng kanyang asawa upang magpaalam na isasama nito ang dalawa nilang anak na edad tatlo at lima. Hiwalay ang mag-asawa.
Tumanggi ang babae dahilan upang magkaroon ng kaguluhan. Binunot ng suspek ang kanyang 9mm service firearm, at pinagbabaril ang kanyang asawa na nakailag at nakatakas.
Inihayag ni Polinar na pinagbabaril muna ng suspek ang dalawa niyang anak bago barilin ang sarili.
Idineklarang patay ang dalawang nene sa ospital.
Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang kapulisan. RNT/SA