Home ENTERTAINMENT Carla, naaliw sa pagreto ni Kris sa doktor!

Carla, naaliw sa pagreto ni Kris sa doktor!

Manila, Philippines – In truth and in principle, back to being single and ready to mingle si Carla Abellana.

Pero at the moment ay hanggang dito lang siya.

Talk about more serious matters tulad ng pag-aasawang muli ay hindi niya bet.

Mismong ang Kapuso actress na rin ang nagsabing she does not see herself marrying again.

Ang mainlab pa ay posible.

If this is the premise, posible kayang i-call ni Carla ang doctor-friend na inirereto sa kanya ni Kris Aquino?

Ito raw ang kaibigan ni Kris mula sa Orange County in Los Angeles where she has been staying.

Obviously, hindi nakatakas kay Carla ang pagma-matchmake ni Kris sa social media.

Despuwes, ano ang take ng aktres doon?

“I find it amusing and at the same time, nakaka-flatter,” initial reaction ni Carla.

Kung tutuusin daw ay maituturing na compliment ang tinuran ni Kris.

“Coming from Kris, nakakatuwa na naisip niya ‘yon,” dagdag pa ni Carla na na-touch sa sweet gesture ni Kris.

Samantala, now that her estranged husband Tom Rodriguez is back in town ay maraming umaasang kahit man lang sa isang GMA teleserye ay magkatrabaho sila.

FYI, it was in GMA’s My Husband’s Lover where love between them blossomed.

Kaso, mukhang hindi magkakaroon ng kaganapan ang “ilusyon” ng mga nagpu-push sa reteam-up nila. Ronnie Carrasco III